RE: Oh Snap Contest: Father's Day Celebration
You are viewing a single comment's thread:
Happy Father's Day sa lahat ng mga Ama.
Ang paborito kong imahe na kasama ang aking Tatay ay ang pagpunta namin sa bukid. Ang buhay niya ay simple at araw araw niyang binabaybay ang masukal daan, matarik minsan papuntang sakahan. Hindi naman talaga ako kasama sa imahe na nakikita, nasa likod lang ako namamangha parin sa tanawin na aking binabalikan, ang mga bundok kung saan kami ang nagtatanim ng mga halamang ugat. Mani, kamote, kamoteng kahoy at iba pa. Buong buhay niya ginugogol sa pag aalaga at pagtatanim. Umuwi ako at sumama sa kanya sa nag harvest ng kamote isang umaga. Ito ang bagay na aking ipinagpasalamat sa kanya, ang pagtuturo ng halaga sa pagtatanim ng makakain.
0
0
0.000
Sadyang masarap at maginhawa ang buhay sa bukirin basta marunong ka lang mananim. Libre na pang araw-araw mo.