Question Of The Weekend: Ano ang birthday wish mo kay Rizal? | QOTW Last Week's Winner Announcement
We have this new portion where we ask questions and you answer via the comments. It will run over the weekend. Once the weekend is over, we will decide the top 3 best and amazing answers from the comment section and we will let you vote for the best commenter in discord and on chain.
Last Week's Winner
Last week, our winner is @ruffatotmeee ! You win 1 HSBI!
Question Of The Weekend (QOTW)
For this weekend, our question is:
Kung buhay si Rizal ngayong generation, ano ang birthday wish mo sa kanya?
or
If Rizal is alive in this generation, what is your birthday wish for him?
It is an honor to speak with our national hero, kung makakausap mo si Rizal ngayon sa birthday niya. Ano ang wish mo para sa kaniya?
Contest Rules
The rules are pretty simple:
- Answer the question in the comment section. No need to create a post about it.
- There's no minimum word count but more than 1 sentence is greatly appreciated.
- No plagiarism. Syempre!
- Content must be in Filipino and/or English.
- Invite another person to join the contest.
- You don't need to be a Filipino to join this contest. Everybody is welcome to join!
Deadline of this contest is on June 23 EOD PH time.
Chosen commenter will win 1 HSBI!
What are you waiting for? Comment now!
0
0
0.000
Happy birthday Pepe, sanay magkaroon ka pa ng maraming career at nobya. 😅 Sanay magawan mo rin ng nobela ang korapsyon na nagaganap sa ating pamahalaan. I wish you more birthdays to celebrate with good health and loving family.
Ikaw @tvlipz02 anong birthday wish mo kay Dr. Jose P. Rizal?
Ang birthday wish ko sa kanya ay sana patuloy niyang makamit yung mga adhikain at nais niya sa buhay, Hindi ko lang alam kung matutuwa siya sa kalagayan ng Pilipinas ngayon,kung naririto pa siya, pero alam kong patuloy siyang gagawa ng paraan para pukawin ang ating mga damdamin. Nawa'y patuloy niyang maimpluwensyahan ang mga Pilipino na mahalin ang sariling atin. Maligayang Kaarawan Dr. Jose Rizal ☺️🎂🎉
@intoy.bugoy, 😂, baka may birthday wish ka para sa kanya. Haha salamat.
Ang birthday wish ko sa kanya, kung buhay pa siya, sana maiwaksi na nya ang pagiging Freemason nya dahil hindi iyon nakakatulong para sa kaluluwa ng tao. Ayan tuloy kumalat sa Pilipinas ang kaisipan nila nang dahil sa utak kolonyal na akala lahat ng mula sa mga banyaga ay maganda. Haysss.
Hindi maaaring maging tunay na Katoliko ang may paniniwalang salungat sa simbahang itinatag mismo ni Kristo. Ganun lang kasimple yun.
Mahirap i-explain kaya eto na lang: https://www.catholicnewsagency.com/news/256045/explainer-why-can-t-a-catholic-join-the-freemasons
How abt you @jloberiza , maybe u have some bday wish din for JRizal. 😁
Happy birthday Pepe! Sana'y sumanib ang kaluluwa mo sa puso't isip ng mga Pilipino ngayon. Sa tingin ko need namin ang tapang, talino, at compassion na meron ka especially may mga umaaligid at nagbabanta sa kalayaan ng Pilipinas ngayon.
Ikaw @anonymous02 anong bday wish mo sa ating pambansang pepe?
Thanks for the heads up, cli4d! Long time no interaction with you:)
Will share mine in the comments.
oi @cli4d hello hahaha
hi ate witty, feel ko mag comeback na ako sa Hive hahaha
nice to hear! kumusta acads?
Kinakaya hahaha. Pero recently inaatake ako ng impostor syndrome 😂
Ikaw? Kamusta ang future engineer namin?
aww goodluck sa acads!
Humihinga pa naman so far hahaha
Ang birthday wish ko kay Rizal ay sana mai-share naman niya ang kaniyang saloobin sa panahon ngayon lalo na sa kabataan at malaman natin kung magbabago na ba ang kaniyang sikat na sinabi “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan” o patuloy pa rin niya itong paninindigan. Sana rin ay matulungan niya tayo upang mas maging matalino lalo na sa panahon ngayon na mas lalong bumababa ang ranking na Pilipinas pagdating sa academics.
Ikaw ate @ruffatotmeee ano ang birthday wish mo sa kaniya?
Happy birthday Dr. Jose Rizal, more birthdays to come. 😊 Salamat sa mga librong nagawa mo at ummasa ako na makagawa ka pa ng marami pang libro. 😊
Dear Pepe:
Una sa lahat, isang magandang pagbati sa iyong kaarawan! Sa ating sitwasyon ngayon, alam ko na ikaw ay nalulungkot sa pagkalugmok ng ating inang bayan. Kung ikaw ay nabubuhay sa panahong ito, alam ko na isa ka rin sa mga taong gustong maghimagsikan dahil hindi mo na matatwa kung bakit nagkanito ang ating bansa kung saan naisakripisyo mo ang iyong buhay para lamang sa kalayaan ng ating bayan. Nguni't ano ang nagyari? Ang tao ay naging sakim sa kapangyarihan kahit na sa anong paraan makamit lamang ang kanyang ninanais! Sana gabayan mo ang mga taong responsable para sa katiwasayan ng ating bansa!
Happy birthday pepe dear! charot
Wish ko lang for you is sana more jowa pa, ung the pepe way at ituro mo sa mga tao ung ways mo. dami na kasi dating apps ngayon, pati ML makakajowa ka na daw dun. pero joke lang. hindi yan ang tunay na wish ko.
sana ipamulat mo samin kung may pag asa pa ba ang bayan natin ngayon, kung ang kabataan pa rin ba ang pag asa. iguide mo namin kami, para kasing nawala na kami sa landas na naiisip mo dati.
ikaw naman @jude.villarta @itz.inno @cthings
sana po ay magkaroon po tayo ng mahabang pasensya at mas malawak pang pagiisip lalo na po sa mga kabataan natin ngayon. sana po ay gumamit po tayo ng proteksyon tuwing makikipagrelasyon, mahilig panaman ho kayo. sana ay humaba pa ang iyong buhay at kung may reseta sa ano mang karamdaman, tandaan na may ritemed para dyan. mga kwento, lathala at sining ay maaring mapagkakakitaan sa hive; mga kurokuro at opinyon ay maari na ring ipost sa youtube. mas maraming audience ang iyo sanang marating upang maisiwalat ang iyang galing.
@fixyetbroken @appleeatingapple ano mensahe nyo po?
Tapos na po. Hahaha, Nakalimutan kong magtag. Thank you for tagging.
ay ano ba yan. ang bilis bilis naman
Hi Pepe!
Happy birthday sayo. More books sana and poems and nature studies. (Pahingi naman ng curriculum mo or baka pwede mo ipahiram)
Pero seriously, naiintindihan ko na kung bakit na-in love sayo sina Leonor, Segunda, O-sei, Gertrude, Nelly, at marami pang iba. Pwede mo na rin isama sa list si Rome. Ampogi mo na kasi, ang talino mo pa, ang galing ko pa sa sports. Sana dumami pa ang katulad mo. Sana ikaw yung pinaka sikat na influencer ngayon, panigurado, walang batang mapapariwara, may mga pusong masasaktan at magiging luhaan, pero panigurado maraming mangangarap nang mataas.
Happy birthday kras! Sana talaga dumami ang lahi mo.
Maligayang ika-163 na kaarawan, Gatang Jose Rizal! Nawa'y malinaw pa ang iyong isipan at masigla ang mga kasu-kasuan. Sana rin ay nagkaroon ng katuparan ang mga pangarap ng katipunan at may saysay ang sakripisyo ng mga nag-alay ng buhay para sa bayan. !PIZZA para sa inyong lahat. 🍕🍕🍕
$PIZZA slices delivered:
@juanvegetarian(1/5) tipped @hiveph
Kung buhay man ang pambansang bayani, wish KO SA kanya na Sana mgkaroon siya Ng anak na mgmamana Ng kanyang talino at galing. Yung may puso Hindi Lang para SA bayan kundi SA buong Pilipinas.
Ikaw @lhes mg comment kana dito Pg tulog na c Chaleb😛♥️
HBD jose, pa pizza ka naman!