RE: Question Of The Weekend: Anong kwentong alamat ang paborito mo? | QOTW Last Week's Winner Announcement

avatar
(Edited)

You are viewing a single comment's thread:

Natatandaan ko noon palagi akung naka abang sa tv kasi pinapanood ko "wansapanataym" ang daming mga magagandang alamat na pinapalabas kada linggo ng gabi.

Isa sa pinakagusto ko at hindi ko malilimutan talaga ay ang alamat ng mangga. Ipinapakita doon ang pagiging mapagbigay sa kapwa kahit walang wala ang pamilya ni "Ingga". Handang ibuwis ni Ingga ang kanyang sarili para sa kapakanan ng kanilang buong barangay.

Dahil sa kabusilakan ng kanyang puso para sa mga tao ay nagkaroon ng liwanag ang kanyang dibdib. Nang dumating ang mga peste sa kanilang barangay at kinain lahat ng mga pananim nila, ibinuwis ni Ingga ang kanyang buhay, pinasunod niya ang mga peste sa kanyang busilak at nagliliwanag na puso hanggang sa hindi na makita si Ingga sa layo ng kanilang narating.

Isang araw ay may tumubong isang puno kung saan hugis puso ang bunga at kapag hinog na ang bunga ay kumikinang ito sa liwanag tuwing sinisikatan ng araw. Kaya pinapangalanan nila itong "mangga" na siyang ala-ala ni Ingga na napakabusilak ng puso.

Nawa'y tayong lahat ay maging busilak ang puso katulad ni Ingga. Hindi man tayo mayaman ngunit pwede naman tayong tumulong sa kahit anong paraan.

Maraming salamat😊

@fixyetbroken share mo naman ang paboritong kwentong alamat mo.



0
0
0.000
6 comments
avatar
(Edited)

Naalala ko tuloy ad ni Fita. Yung "Dahil sa busilak mong puso, bibigyan kita ng isang kahilingan." 🏎️😁
🤩
!PGM !LOLZ !BBH

0
0
0.000
avatar

Nakwento sa aking ng lola ko ang wansapanataym sa channel 2 yata yon maganda daw 🤣

0
0
0.000
avatar

Hahhaa maganda dami talaga mga pinapalabas na alamat kada linggo

0
0
0.000