RE: Question Of The Weekend: Magkano ang tingin mong sapat na baon sa school or office? | QOTW Last Week's Winner Announcement

avatar

You are viewing a single comment's thread:

Kapag studyante tingin ko nasa 50 pesos sa elementary. Kasi merong mga student na hindi nagbabaon ng ulam. So yung 25 pesos pang bili ng ulam tapos yung 25 pang bili ng snacks, pang ambag sa group activities, or pang bili ng kakailanganin sa activity kapag nakalimutan or walang gamit.

100-200 pesos naman sa isang araw sa mga junior Hayskul student. 100 kapag hindi bumibyahe. Tapos 200 naman kapag bumibyahe pa papuntang school, mga taga cities. Sama mo pa na need din mag ambag kapag may Lutuhan na magaganap kapag TLE.

500 pesos a week sa mga Senior High. Bahala na sila mag budget sa 500 sa isang linggo. Pagkakasyahin at pagtitipid talaga kahit na andaming ambag na kakailanganin lalo na sa TVL course. 🤣

Sa mga nagwowork naman, syempre nakadepende yan. May mga nagwowork din kasi na gusto magtipid dahil alam na nila kung gaano kahirap kumita ng pera. Kaya tingin ko, Pagkakasyahin nila ung 1000 pesos sa isang linggo.

So ayon lang. Ikaw tingin mo @jude.villarta @jijisaurart ? 🤔



0
0
0.000
1 comments
avatar

Hmm for me depends talaga 😁 need to factor out things, hehe. Siguro sa office nasa 2k average for a week.

!PIZZA

0
0
0.000