Question Of The Weekend: Naniniwala ka pa rin ba sa kasal? | QOTW Last Week's Winner Announcement
We have this new portion where we ask questions and you answer via the comments. It will run over the weekend. Once the weekend is over, we will decide the top 3 best and amazing answers from the comment section and we will let you vote for the best commenter in discord and on chain.
Last Week's Winner
Last week, our winner is @cli4d ! You win 1 HSBI!
Question Of The Weekend (QOTW)
For this weekend, our question is:
Naniniwala ka pa rin ba sa kasal?
or
Do you still believe in marriage?
Sa dami ng nangyayaring hiwalayan at breakup recently.
May ibang nagbabalikan, pero madalas magkahiwalay ng tuluyan.
Sa kabila ng divorce bill, naniniwala ka pa rin ba sa kasal?
Contest Rules
The rules are pretty simple:
- Answer the question in the comment section. No need to create a post about it.
- There's no minimum word count but more than 1 sentence is greatly appreciated.
- No plagiarism. Syempre!
- Content must be in Filipino and/or English.
- Invite another person to join the contest.
- You don't need to be a Filipino to join this contest. Everybody is welcome to join!
Deadline of this contest is on June 30 EOD PH time.
Chosen commenter will win 1 HSBI!
What are you waiting for? Comment now!
0
0
0.000
Sa aking sitwasyon ngayon, ako ay naniniwala pa rin sa kasal dahil may benefits kang makukuha at isa na rito ang insurance ng asawa mo. 😁 Piliin ang asawang may insurance para ensured kapag lumihis ng daan ang asawa. 😁
Ikaw @itz.inno at @wittyzell gusto kung marinig ang inyong saloobin. Salamat.
BWAHAHAHA grabe sya sa insurance oh! 😂
first date
me: may insurance ka ba?
😂😂 practical na po tayo ngayon.😁
Ang Ganda ng halimbawa.🤣🤣😅
tas sabihin, NEXT! pag walang insurance 😂 balik na lang pag meron na hahahahaha
Hahaha, para sure, magbenta ka ng insurance sa first date.😂😂
HAHAHAHAHA naging insurance agent pa 🤣
🤣🤣
pagkakakitaan natin habang buhay pa. bwahahha
Tama. 😅
ito ang literal na wais na misis hahahah
Salamat.😅
Naniniwala pa Rin ako SA kasal, kahit marami akong nakikitang nghihiwalay din, still I believe in it. Pero kailangan maging handa emotionally,mentally at financially. Wag Kang basta mgpadalos dalos SA pagpapakasal Kung Hindi kapa handa. Otherwise SA hiwalayan din mauuwi.
Ikaw @lhes alam ko naniniwala Ka.😁😬 Drop your comment.😛
Agree, di pwede padalos dalos talaga ang lahat
Kaya nga e, Kung ayaw mong SA wala din mapupunta ang lahat😅.
Thank you @hiveph 💖
Masarap magbasa-basa ng comment pag divorce ang topic 🍿
hahahaha anong sagot mo @cli4d haha
Baka kasi mabash ako HAHAHHA
Basta para sa akin, kung happy naman ang ibang married couples sa relasyon nila, bakit kailangan nilang ipagkait ang batas na ito sa mga nangangailangan? Porket happy sila, the same applies to everyone? Tsaka, divorce is not designed for them. It's for couples na hindi na happy, para mabigyan sila ng another chance to save themselves from a relationship that is clearly not working.
I still believe in marriage but I think it's not for everybody like me. 😂
Don't get me wrong, I'm okay naman, may jowa din naman ako, but as of this time, kahit matanda na ako, I still can't see myself settling down, like start a family of my own, being together til the rest of our lives with a husband, etc.
Marriage is a serious and lifelong commitment. Di pwede na pag ayaw mo na, edi wag na, bye, move on, next. Kaya dapat talaga before ka pumasok sa ganyang bagay, pag isipan mo ng mabuti, like mga 20000x or more kung ready ka nga ba, sure ka na ba dyan or whatever.
kayo ba @appleeatingapple @ohlnwwlknat @jude.villarta @jane1289 ?
Yeah, dapat pag-isipan ng mabuti kasi mahirap nang ibalik sa magulang 'Yan.😁
Sabihan ka ng no return no exchange hahahaha
😂
Tama yan. Hindi pwedeng padalos dalos. Dapat handa ka sa lahat ng mangyayari
papel lang naman ang marriage cert sa japan, pwedding pwede ayawan. bwahahha
Oh man I'm so late with commenting but I agree with you 100000x witty..
Ngayong may asawa na ako, naniniwala padin naman. Pero kung dalaga ka pa ngayon, pag isipan mong mabuti bago ka magpakasal, wag puro bugso ng damdamin. Sabi nga nila ang magulang at anak di mo mapipili yan, kaloob yan sayo, pero ang asawa, yan lang ang pagkakataon na pwede kang pumili nang makakasama mo, kaya piliin mo ang tao na sigurado ka na at sigurado din sya sayo.
Lahat talaga ng may asawa dito eh naniniwala talaga sa kasal, kahit pa hindi naman perpekto ang pagsasama. It still works pa naman. Wala naman kasing pagsasama na puro sarap lahat. Kailangan rin kasi dumaan sa mga pagsubok para maging matibay rin.
Ang kasal ay para sa magpartner na gusto nang magsama habang buhay kahit anong mangyari. Kaya me wedding vows.
"to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death do us part, "
At dahil naniniwala pa rin ako sa halaga ng salita ng isang tao, naniniwala pa rin ako sa kahalagahan ng kasal. Ang kasal kasi hindi yan para sa "sarap" lang. Maraming pagsubok ang mararanasan ng mag-asawa, at mas tumatatag ang pag-iibigan kapag nalampasan ang mga pagsubok na yan.
Sa kabilang dako naman, maraming nagsisi pagkatapos ng pagpakasal dahil kesyo, nanakit ang partner, nanmbabae or nanlalaki si partner... (mas masakit yata pag nanlalaki si mister hehehe). Ang problema dyan kasi nagpapadala tayo sa bugso ng damdamin, lalo sa "init at sarap" ng pagiibigan, kahit hindi pa lubos na kilala ang pakakasalan.
Tulad ng sabi ng isa pari...
"Ang pagpakasal ay hindi yan katulad ng pagsubo ng kanin. Na kung mapaso tayo, iluluwa natin."
bawal iluwa. subo lang ng subo. ba't ang sagwa pakinggan? ahaha
🤣😜🤣😂🤣😂🤣
Sila yung mga taong mahihina. Mahina sa tukso.🤣
Tama.
Yung tukso, hindi mawawala yan eh.
Ang tanong dyan, kung kakalimutan sandali ang sinumpaan at magpadala sa tukso or kakanta ka ng... "Tukso... layuan mo ako!"
Kantahin nalang siguro Ng paulit ulit. Haha
Isipin ang mga consequences talaga..
Oo, nag comment lang ako dito para mag ka entry.
di to counted oi. ahahaha
Sabi ko Oo. hindi pwede yan?
ay. sumagot nga naman pla. ano ba naman ako oi.
ako ay naniniwala na lahat tayo ay may kaniya-kaniyang paniniwala. kung naniniwala ka sa kasal ay dapat isiping mabuti bago pasukin. suriin kung nababagay ba talaga kayo sa isa't isa. at kung naikasal na ay panindigan at hanapan ng solusyon mga problema ng magkasama lalo na't walang divorce sa pinas.
ok lang din naman kung hindi ka naman naniniwala sa kasal. maging masaya at magsama ng matagal ng iyong partner kung meron man, or mabuhay ng maligaya at buo ng mag-isa. nasa sa iyo ang desisyon. at hwag ho naman manira ng mga kasal na just to prove a point.
at the end of the day, respeto pa rin po sa isa't isa ang mananaig.
o ate @romeskie ano sa palagay mo?
Naniniwala ako sayo.
oi. overused na tlga ang tiwala sa reply ko. ahahah
At the end of the day, it's night. ~ badum! tss! ~
Haha. Salamat sa pag mention. Pag iisipan kong maigi yan. Char.
tama, respito talaga ang pinakaimportante.
Kasal na ako at hanggang ngayon, naniniwala pa rin ako sa kasal. Pero hindi ito para sa lahat. Dalawa ang tingin ko dito. Isang para sa pormalidad. Para sa insurance, sa healthcard, property kineme, at kung anu ano pa. Kung gusto niyong paghatian ang mga ganyan, pwes, magpakasal kayo. Yun nga lang, kasama dun ay pakikisamahan mo yung pakakasalan mo. Isa naman ay yung emosyonal and all those dramatic kemberlu na "I want to grow old with you" achuchuchu. Maswerte ako na ang napili kong mapangasawa ay both partner and husband material. Kaya pumili kang maigi. Wag yung kinilig, nagpakasal. Masyadong maiksi ang buhay para mamuhay nang hindi masaya.
May nabasa ako dati, "marriage is like a prison, choose your cellmate wisely." lalo at walang divorce pa rito sa atin, nakupo, impiyerno sa lupa pag nagkamali ka ng napili.
To sum it up, oo, naniniwala ako sa kasal, pero hindi ito para sa lahat. It is a contract, and you have to read everything written in it pati yung mga maliliit na texts. If you know what I mean.
ay pinagisipan ngang maigi naman.
gusto ko to. tama nga naman din.
Sige na nga. Nasa dramatic kemberlu na "I want to grow old with you" achuchuchu na tayu na side. hahaha. 😅
Of course naman, naniniwala pa rin naman ako sa kasal. Kapag ang dalawang 'matured' na tao eh nagkasundong mamuhay nang magkasama habangbuhay, eh may poreber parin naman. Kapag sinabing 'matured' hindi iyon tumutukoy sa edad lamang. Dahil kahit gaanu pa katanda ang isang tao kung di sya matured mag isip eh para sa akin isip-bata parin iyon.
Ang "matured na mag-isip" o "mature" na pag-iisip ay tumutukoy sa isang antas ng pag-unawa, pagkilos, at paggawa ng desisyon na nagpapakita ng pagiging responsable, makatuwiran, may matibay na prinsipyo (hindi madaling sumuko sa mga tukso), at may kakayahang umunawa sa damdamin at pangangailangan ng kapartner nila. Hindi lamang siya nakatuon sa sarili niyang interes at alam ang kahalagahan ng salitang pamilya (hindi iyong pinaprioritize yung "inuman session" ng workmates mo dahil lang gusto mo marelax ang utak mo at maibsan ang pagod sa buong araw na paghahanapbuhay).
Pero kahit paman mayroon ang isang tao ng mga katangiang ito, kung yung isang kabiyak eh MAKASARILI, hindi rin magtatagal ang relasyon nila. Mauubos rin kasi ang pasensya ng isang tao, unless kung magbabagong buhay na sya.
Sabi nga, It takes two, to tango. So dapat dalawa talaga kayu na may matured na utak.
Kaya mag simula ka nang maghanap ng "matured" na tao. Pero dapat ikaw rin mismo sa sarili mo eh maging "matured" rin, wag iasa lahat sa magiging kapartner mo. Dapat my input ka rin no.
Alam ko naman na sa kaibuturan ng puso ng lahat na andito eh gusto makita ang right man or right woman nila at maikasal dito at mamuhay na magkasama. Yun nga lang, nauunahan lang ng mga worries nila na kesyo yung mga lalaki eh darating ang time na ipagpapalit sila sa mas bata at maganda sa kanila, o kaya naman yung babae na kayang iwan yung mga asawa sa ngalan ng pera. KAya nga, wag magpadalos dalos sa pagpapakasal. Kilalanin mong mabuti ang taong pakakasalan. Para less yung pagkakamali.
I guess magsesecond the motion si sis @romeskie at @tpkidkai dito.😁
Sa true! Kailangan pareho matured ang kung mag papakasal. Di pwede yung toyo toyo tsaka yung macho macho effect. Walang magandang kahihinatnan yang mga ganyan.
Tamatama. Wala kasi yun s pisikal na panlabas lang, ang taong matalino, ang inner side ang chinicheck pag kasal na ang pinag uusapan.
With all the ruckus about separating, annulment and divorce, I still believe in the sanctity of marriage. You just need to pray for the right partner. No offense to those who are not into marriage. It's not everybody's cup of tea but in marriage, it may not always be chocolates and rainbows, the partnership and memories that had been created is precious. Even beautiful roses have thorns, but its' imperfections is what makes it worth fighting for.
Tama po. 😊
Naniniwala padin naman ako sa kasal pero hindi ibig sabihin naniniwala ako sa forever. At yung right man at right woman na yan. Naniniwala padin naman ako sa kasal, hindi ngalang para sakin yan. XD
"Don’t Be Afraid Of Being Different,
be afraid of being the same
as everyone else." What does the fox say?
oo. government records are somewhat reliable when it comes to permanence.
it is a clear mark in the world that you exist in this world, while wala man forever, sa database may forever.
if it really is a small thing, like others seems to say or believe, then why not do it?
"PAG GUSTO, GAGAWIN. PAG HINDI, PAPAHIRAPAN."
"Di mo na sila kailangan bolahin, bobolahin na nila sarili nila para sa iyo."
Keep up the good work. 👏🎵
Dear beloved Hive creator,
Coding poet Gudasol here to support you sharing your art + life on Hive.
As a fellow creator, I know how hard it is to get the word out there.
I built cXc.world to help creators like us get more support from the blockchain community + beyond.
Share your music on cXc.world, and copy the Markdown for a easy post includes embedded players for Spotify, Youtube, Soundcloud.
That way, you can earn HIVE + stack streams on centralized platforms, as they do still matter.
Not a music creator? No problem. You can still use cXc.world to find + share music you love.
What's next?
Preview the next evolution of cXc, Tetra.earth.
Expose local music from your area!
We're helping grassroots musicians, and you can too by adding their music (no sign up or WAX account required).
Join our community 🐬
Find fellow music lovers in cXc's Discord
Bad news: Saying see you later to Hive! 👋
We didn't get the needed support to continue cXc.world on Hive, as our DHF proposal lacked votes, but [Good News Everyone] cXc.world will add a Markdown copy button, allowing you to easily share your music + music you find on Hive.
For now, we're on WAX, with tools you can use to mint your own Music/Media NFT collection.
Curious about the future of Earth + ET relations? New economic systems?
Find more apps + art from Gudasol
Want to build tools like I used to share this?
I'd love to show you some tips on AI Code generation