RE: Question Of The Weekend: Naniniwala ka pa rin ba sa kasal? | QOTW Last Week's Winner Announcement

avatar

You are viewing a single comment's thread:

Kasal na ako at hanggang ngayon, naniniwala pa rin ako sa kasal. Pero hindi ito para sa lahat. Dalawa ang tingin ko dito. Isang para sa pormalidad. Para sa insurance, sa healthcard, property kineme, at kung anu ano pa. Kung gusto niyong paghatian ang mga ganyan, pwes, magpakasal kayo. Yun nga lang, kasama dun ay pakikisamahan mo yung pakakasalan mo. Isa naman ay yung emosyonal and all those dramatic kemberlu na "I want to grow old with you" achuchuchu. Maswerte ako na ang napili kong mapangasawa ay both partner and husband material. Kaya pumili kang maigi. Wag yung kinilig, nagpakasal. Masyadong maiksi ang buhay para mamuhay nang hindi masaya.

May nabasa ako dati, "marriage is like a prison, choose your cellmate wisely." lalo at walang divorce pa rito sa atin, nakupo, impiyerno sa lupa pag nagkamali ka ng napili.

To sum it up, oo, naniniwala ako sa kasal, pero hindi ito para sa lahat. It is a contract, and you have to read everything written in it pati yung mga maliliit na texts. If you know what I mean.



0
0
0.000
2 comments
avatar

ay pinagisipan ngang maigi naman.

"marriage is like a prison, choose your cellmate wisely."

gusto ko to. tama nga naman din.

0
0
0.000
avatar

Sige na nga. Nasa dramatic kemberlu na "I want to grow old with you" achuchuchu na tayu na side. hahaha. 😅

0
0
0.000